Ang Bataan ay isang lalawigan ng Pilipinas na sinasakop ang buong Tangway ng Bataan saLuzon. Bahagi ng rehiyon ng Gitnang Luzon ang lalawigan . Lungsod ng Balanga angkabisera nito at pinapaligiran ng mga lalawigan ng Zambales at Pampanga sa hilaga. Kaharap ng tangway sa kanluran ang Dagat ng Timog Tsina at Look ng Maynila naman sa silangan.
Labing-isang bayan ang bumubuo sa lalawigan ng Bataan. Sa labing isang bayan at isang lungsod, hinati sa dalawang distrito ang mga ito. Ang unang distrito ay binubuo ngDinalupihan, Hermosa, Orani, Samal at Abucay sa Hilaga ng tangway at Morong sa hilagang kanluran ng lalawigan. And ikalawang distrito ay binubuo ng Lungsod ng Balanga, Pilar,Orion, Limay, Mariveles at Bagac sa timog bahagi ng tangway.
Isa sa mga tahimik na lalawigan ang Bataan. Karamihan sa mga urban na sentral ng mga bayan ay malapit sa anyong-tubig dahil hinihiwalay ng Kabundukan ng Natib (Mount Natib) ang gitna ng Bataan. Dahil dito, ang silangan ng Bataan ay nakahiwalay sa Kanlurang bahagi. Ang silangang bahagi ay nakaharap sa Look ng Maynila. Sa kabilang bahagi, ang mga bayan ng Mariveles, Bagac at Morong ay nakaharap sa Dagat ng Timog Tsina. Karamihan ng mga popular na beach/tabing dagat sa Bataan ay nasa kanlurang bahagi ng Bataan, nakaharap sa Dagat ng Timog Tsina. Sa Silangan, ang Look ng Maynila ay kilala bilang sikat na lugar pangisdaan ng mga mangingisda.
Pangingisda at pagsasaka ang pangulong hanap-buhay ng mga taga-Bataan. Gayon man, sa paglipas ng panahon, ang mabilis na pagiging popular ng teknolohiya sa bansa ay nagbigay ng daan para magtayo ng mga pabrika sa Mariveles. Sa ngayon, isa ang Mariveles sa mga panguhaning pagawaan ng mga produktong pangkalakalan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Isa rin sa mga sikat na lugar ang Bataan pagdating sa mga gawaing-kamay (handicrafts).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento